waaaaaaaaaaaaaaah! i absolutely hate going to the dmv! it's the worst government office in the whole wide world!!!!!
meron kaming bulok na kotse...first car namin dito. natakbo pa naman pero di na komportable, walang aircon at kung ano ano pa. after namin ma-fully paid yung kotse, the dealership never sent us a pink slip (parang titulo ng sasakyan), tapos sarado na sila and wala na dun sa dati nilang location. 2 years after we bought the car, i went to dmv para sabihin na ganon ang scenario. sabi sa akin, 'you have to find the dealer and get the pink slip from them.' e pano ko nga hahanapin?! wala naman silang inoffer na suggestion. so procrastinate ako another 6 years... bulok na nga si kotse, nakakuha na ng kapalit and we want to get rid of this car. bibigay nalang namin sa kaibigang mekaniko para pwede nya gawing pangharabas. e matalino na ako ngayon, tawag muna ako sa dmv para itanong kung ano dapat kong gawin.
dmv: "you have to write them a letter and mail the letter to the dealership using the address that we have on file. that address is also on your car's registration. when the letter comes back, bring the letter to the dmv office and we can give you a copy of the pink slip."
e hindi ako nasiyahan doon. sinaliksik ko ang internet para malaman kung tama ang sinabi sa akin. tama nga pero kulang. may form pa akong kailangang dalin sa kanila pag pumunta ako. so to make the long story short, minail ko si letter at bumalik na sa akin achoo chooo chooo. punta ako dmv kanina, armado ng mga papel na kailangan nila. wais na ata ako ngayon!
so i sit there and wait for about 15 minutes for my number to be called. sa isip ko, 'haaay salamat! matatapos na ang car dilemma na ito!'
ako: "my car is fully paid but the dealer never sent me a pink slip. i sent them a letter and letter came back. i saw online that i needed to fill out these forms..."
dmv: kinuha ang sulat na pinadala ko at sinabing..."you also need to get a vehicle bond..."
ako: jaw dropping to the floor (naisihan parin ako!?)... "what is that? where can i find that?"
dmv: "you can look in the yellow pages for vehicle bonds. they will investigate if the dealership is really closed or if they moved. if they're closed, they'll give you a notarized letter and you bring that letter back to us..."
gusto ko sya awayin! gusto ko sya sabunutan kahit kalbo sya!!!! akala ko nautakan ko na sila! hindi parin pala! i left the dmv office, red-faced in anger! grabe talaga!
so kanina google naman ako nitong vehicle bond eklat na to and it's different from what he explained at naguguluhan parin ako kung ano talaga sya. so bukas, tatawag nanaman ako sa dmv para itanong ang mga bagay na di ko natanong dahil sa sobrang galit ko. makatarungan ba ito?!?!?! kapag matrabaho to at kailangan ko pang gumastos para lang makuha yung hinihingi nila, suko na ako. i-tow nalang ang kotseng yan! kainis!!!!
i was so furious, i wanted to pull my hair out! but instead i went and got a hair cut....
No comments:
Post a Comment