Friday, April 18, 2008

stalling

Stalling bang matatawag at hanggang ngayon e hindi ko parin natatapos fill up-an ang paperwork ng FHA home loan? sobrang dami kasing tanong kapag magfifill up ka ng application. Naayos ko na lahat ng supporting documents, kelangan ko nalang mag fill out. dapat kasi sa work ko na fifill up-an tong paperwork kaso nahihiya ako sa boss ko pag pumapasok sya sa office ko tapos personal papers ang inaasikaso ko. Binigyan ko ng deadline ang sarili ko na before we go on vacation e tapos ko na to. I have 8 days to fill this out.

E kasi naman, once I start to sit down at my desk to attempt to do this, michelle comes and says, ‘mommy! Opo! Opo!’ meaning, gusto nya umupo sa computer chair. At kahit anong tanggi ko, lalabas lang sya sandali tapos kukulitin nanaman ako. pag pinagbigyan ko naman, masasanay na at maglililikot na talaga dito sa computer kaya hindi ibibigay ang upuan pero pareho kaming lalabas ng kwarto, pareho kaming mga talunan!

So ayun nga, gusto ko na bumili ng bahay. Oo bahay din namin ang tinitirhan namin ngayon dahil kami ni chel ang mayari nito, pero super sikip na namin sa floor namin. Hindi ako makapagluto ng maayos dahil i don't have enough counter space to work on at hindi makapaglaro ng maayos ng wii ang tatay ko. Tapos kabikabila sinasabihan ako ng madla, ‘kelan mo susundan si michelle? Sundan mo na!’ parang may paglalagyan pa ako ng isang tao sa aming munting silid! usapan na namin ni dear husband na we will consider our second baby pag may sarili na kaming bahay and he's back in california for good.

Sabi sa news, now is the time to buy a house daw dahil madaming nagbebenta at mababa ang presyo, maganda din ang interest rate. wag lang akong mawawalan ng trabaho dahil patay na! nawalan nanaman daw ng 1.9 billion ang kumpanya namin at mawawalan daw ng trabaho ang 2,900 na empleyado namin. yikes!!! pero the Lord is my source so alam kong unlimited ang resources ko. ang kailangan ko lang gawin ay dasal, obedience to Him at giving. yun talaga ang sikreto dun! Mabait ang lord kaya alam kong hindi nya kami papabayaan at ibibigay nya ang bahay na para sa amin.

If only I can stop getting excited about our vacation and actually fill out the paperwork!

No comments:

COVID-19: DAY 52 SHELTER IN PLACE MAY 7 2020

The month of April was like a blink of an eye.  Now, we are in my birth month, this was supposed to be a big deal for me.  I am turning 40 i...

Popular Posts