Wednesday, May 07, 2008

blind item!

napansin ko lang kanina sa friendster...merong isa sa hundreds of friendster friends ko ang malaki ang pinag iba. noong nasa pilipinas pa ako, napakatahimik nitong tao na to. parang di makabasag pinggan. may hitsura sya noon pa pero di sya masyado pansinin dahil nga tahimik at simpleng tao lang.

pero ngayon...nakaw! super nayayabangan ako sa mga sinasabi nya sa friendster! kakaiba talaga! iniisip ko kung bakit naging ganon ang transformation nya. hindi mo iisipin na magiging ganon. ewan ko ba, in some way nakaka bother yung changes sa kanya. parang oa naman ang pag ka confident sa sarili ngayon. wala ng bakas ng tahimik at mahiyaing si...

in some way parang naaawa ako sa kanya. nalulungkot para sa kanya na naging ganon sya. inisip kaya nya na mas mabuti yung personality nya ngayon kesa dati? well, sana mali ako. since it's been years, maybe decades since i last saw this person, i don't really know him anymore. maaring mabait parin sya deep down, at facade lamang ang over confident exterior na ito. none the less, ipadadasal ko sya. yun lang ang kaya kong gawin para sa kanya. may the good Lord bless this person!

the name shall be kept a secret! sa mga friends ko from pi, mahulaan nyo kaya kung sino ito? pareho kaya tayo ng iniisip?!!??! email nyo ako sa friendster! heheh

2 comments:

Pukaykay said...

Sa unang part ng entry mo..parng feeling ko ako yun.. kasi 1.tahimik 2.di makabasag pinggan 3.MAY HITSURA tapos mayabang. PArang akong ako. hehehe.

Bruha ka, 347 kaya ang friends mo dun, matagal isa-isahin ang mga yon. hahaha.

ASC said...

hehe mahirap nga hulaan kung sino. kaya nga malakas ang loob ko magsulat ng blind item e. napapataas kasi ang kilay ko tuwing lumalabas sya sa mga friends ko na nagmodify ng profile or nagdagdag ng photo. kakaiba! basta. =) email mo ko sabihin ko sayo kung sino para lam mo kung kaninong profile kagad ang titingnan! hehe

COVID-19: DAY 52 SHELTER IN PLACE MAY 7 2020

The month of April was like a blink of an eye.  Now, we are in my birth month, this was supposed to be a big deal for me.  I am turning 40 i...

Popular Posts