it's another grand alumni homecoming sa SAS and wala nanaman ako. tumatanda na ako hindi pa ako nakaka attend ng alumni namin. =( i miss my highschool friends and i wish i can spend time with them again. yung mga barkada ko, we see each other a lot everytime i go back home, pero ngayon, kalat kalat narin kami sa kung saan saang lupalop ng mundo so who knows kung kelan pa ulit kami magkakasama-sama.
i am surprised i am overwhelmed by nostalgia. naalala ko na pumapasok ako ng maaga sa school dahil napakahirap pumunta ng tanza dahil sa dami ng nagtatrabaho sa epza na kaagaw namin sa jeep at baby bus. naalala ko ang pagpunta namin sa binakayan at cavite city (wala pa non sa tanza dati) para kumain sa mcdo or jollibee. oorder kami ng fried chicken at magpapabalik balik sa counter para humingi ng SANGKATUTAK na extra gravy. namimiss ko mag volleyball kasama si celeste...talagang the last time i played real volleyball e highschool pa ako. (gano na kaya ako ka-bano dito ngayon?) nakaka miss tumambay sa bahay nila joy or kumain ng ltb sa marijo at tapsilog sa tito bert's (i wonder if i got this right). naglalakad kami papuntang umboy para sumakay ng jeep pauwi, kasabay namin sa doc pangi na isang kanto nalang ang layo ng bahay e sasakay parin ng jeep paikot para lang ma-maximize ang time naming magbabarkada. namimiss ko ang pagkamiss nila sa luto ng mommy ko. namimiss ko na pag magkakasama kami ang lagi namin lulutuin e spaghetti. nakakamiss magpunta ng retirees at tumambay sa chapel at mahabol ng mga aso ng kapitbahay nila jeshan. nakakamiss din mag CAT, sumali sa mga kung ano anong quizbee sa kung saan saang lupalop ng pilipinas kasama si oszie at etey at prof john. nakakamiss magsulat para sa crosier at bakulo. namimiss ko ang meeting ng CSG, namimiss ko na lagi kaming excused ni dia sa classes dahil nagkochoreograph kami ng sayaw pag may event sa school at ang mga dance numbers namin nila imee, joy, sheryl, lizette, thessa, charry, at si jade (did i miss anyone else? sorry kung meron!). namimiss ko ang mga teachers ko...nakakamiss din si ma'am elias, swerte kami barkada namin si santa fe na apo nya kaya malakas kami sa kanya kahit may katigasan ang mga ulo namin.
there are so many memories that i cherish and reliving them in my mind makes me smile. i have truly lived a blessed life...i am blessed with a wonderful youth...wonderful memories and wonderful friends.
sobrang dami ko pang naaalala but it will be too long to write so i'll just reminisce on my own. i really miss you all, SAS batch 97, and will always remember you with the fondest of memories.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
COVID-19: DAY 52 SHELTER IN PLACE MAY 7 2020
The month of April was like a blink of an eye. Now, we are in my birth month, this was supposed to be a big deal for me. I am turning 40 i...
Popular Posts
-
these surfers (and photos) will show you. Maverick's or Mavericks is a world-famous surfing location in Northern California [about 15-20...
-
i took a 2.5 hour nap yesterday after i got home. i have been wearing my eye patch consistently...taking a break from it only when my daugh...
-
along with jogging, i'm trying to adapt a healthy way of eating. i haven't been eating rice, or if i do, i limit myself to up to 3 ...
No comments:
Post a Comment