buti nalang hindi matigas ulo ko. pag may sinabi sa akin ang parents ko, more often than not, sumusunod ako. naniniwala kasi ako na hindi nila ako ililigaw. alam ko kasi na maganda ang mga plano nila para sa akin, so what they say, i usually follow. kahit ngayon na may asawa at anak na ako, nakikinig parin ako sa sinasabi nila. panalangin ko, makita at matutunan ni michelle ang ganitong pag galang sa magulang kahit na ano pa man ang edad nya. salamat sa Panginoon at pinaintindi nya sa akin na ang pagsunod ko sa mga magulang ko, ay pagsunod ko rin sa Kanya.
nalulungkot ako pag may naririnig akong mga kabataan na hindi marunong igalang ang mga magulang nila. maaring hindi sila nagkaroon ng napakabuting mga magulang, pero hindi naman dahilan yun para hindi nila sundin ang mga magulang nila. siguro passive lang din talaga ako at hindi ko ugali ang magsasasagot, magdabog or magsimangot sa harap ng mga taong nakatatanda sa akin. nababastusan ako sa ganon. ayoko kasing gawin yun sa harap ko kaya ayoko rin gawin sa harap nila. maturity ba ang tawag dun?
salamat talaga at hindi na ako teenager. maaaring nagsisimula ng lumabas ang wrinkles ko sa mukha, pero kapalit naman non ay ang wisdom that comes with age. naks! ang drama. pero totoo, kahit pa mas balingkinitan ang katawan ko noon, hindi ko ipagpapalit ang knowledge at experiences na naranasan ko...yung hindi mo pa nakikita ang ending e parang alam mo na ang mangyayari.
yun ang meron ang mga magulang at nakatatanda...they may not have experienced the same exact experience, but the premise is pretty much the same. they already have an idea how things are going to end. with youth comes oversight, but with age comes foresight. kawawa ang kabataan na hindi marunong makinig sa payo ng mga nakakatanda.
2 comments:
Hindi ako sumasagot sa magulang ko pero hindi ko sila sinusunod. Lumaki kse akong wala sila kaya hindi nila ako kilala kaya i don't think na alam din nila yung tama para sa akin. Manipulative parents ko. Mali pa rin po ba yon?
i know what you mean. i treasure the relationship i have with my parents and i know that what i am i owe it all to them. being a new mom, i hope and pray that my son will have the same kind of relationship.
Post a Comment