The Only Child: Debunking the Mythsi saw this article at my optometrist's office earlier today. i struggled to read it as my eyes were dilated so i made a mental note to google this when i get home.
sa mga nagtatanong kung kelan ko susundan si michelle, eto ang honest to goodness kong sagot.
'ayoko na sundan si michelle. kung ako ang masusunod, gusto ko isang anak lang. kung masusundan si michelle, bahala na, but we're not trying. we want to provide the best we can for her at gusto rin namin magawa ang mga bagay na gusto namin bilang mag asawa, at bilang pamilya.'pwede ko rin bang sabihin, na
'hindi kayo may ari ng matres ko, pwede wag kayo makulit?' hehehe
sa totoo lang kasi, medyo nakukulili na tenga ko dahil i get asked this question every week. before, i would answer,
'pag nakabili na kami bahay.' or
'pag nakabalik na si paul.' e nangyari na pareho so naubusan na ako ng sagot. so ngayon pag may nagtatanong, ganito ang sagot ko,
'ay! (sabay tingala) parang may naririnig akong kung ano. (sabay palinga-linga) ay wala pala. ano nga ba ang pinaguusapan natin? (and i will change the topic)' obvious na ayoko pag usapan. kasi yung nagtatanong, hindi nya gusto yung isasagot ko, so bakit pa ako sasagot? they get the hint, and we all move on.
para dun sa mga gusto ng dalawa, tatlo, or milyon milyong anak, good for you! sana lang ganon din ang reaksyon nyo sa mga mag asawa that want to stop at one.
like i said earlier, gusto ko isa lang. but if i get pregnant again, siguro yun talaga ang gusto ng panginoon and i'll be very happy with that.