Saturday, April 18, 2009

i feel so guilty

grabe pala pag nanay ka. nagiging parang leon ka pala kapag kinabahan ka dahil baka malagay sa panganib ang anak mo...

dalawang beses ngayong araw na to, tatay ko ang nagmamaneho, muntik na kaming mabangga ng ibang sasakyan na walang kaayos ayos mag maneho pero ang talagang bumagabag sa akin yung pangalawang insidente kaninang umaga nang papunta kami sa park para mag picnic.

sakay ng magarang asul na sports car tong lalakeng intsik kasama ang nobya nya. mula sa pinaka kanan, lumipat sya papunta sa linya namin sa pinaka kaliwa. bigla bigla ang paglipat na ginawa nya kahit na sumignal pa sya kaya muntik na nyang mabangga ang kotse namin. nang malampasan namin ang sasakyan nya at nakita kong medyo bukas ang bintana nya, sumigaw ako ng 'a$$#0!€!'. siniguro kong maririnig nya dahil sobrang kinabahan ako sa ginawa nya. that was so unlike me! at narinig naman nya at nag gesture din sya ng hindi maganda na nakita ng aking ama na ikinagalit nito. tinigil ng tatay ko ang sasakyan at sinugod si lalake.

NATAKOT AKO dahil baka bigla nalang suntukin ng tatay ko yung lalake! ayoko ng rambol!!!! so bumaba ako at inunahan ko na si daddy. sinigawan ko si lalake. sabi ko, 'you should be careful out there! i have a kid in that car (sabay turo sa kotse namin). it's not about your life. it's about my daughter!' sabay alis. di sya naka imik. pati nobya nya di makatingin ng diretso. nag reason pa sya sa tatay ko na sumignal naman daw sya. sabi ng tatay ko, 'you did but you were not being careful!' tinawag ko na ang tatay ko at bumalik na rin sya sa sasakyan namin. umalis ng kumakaripas si intsik. nanginginig ang buong katawan ko at di ko maalis sa isip ko ang nangyari.

i feel so bad kasi that is not something i would do. that is not what i should have done and I WILL NEVER DO THAT AGAIN! while in the car, sabi ko sa Lord...'Lord I'm very sorry. That was not how you would have wanted me to handle the situation. Forgive me Lord and grant me the patience in situations like that.' i feel so terrible talaga kanina! grabe! di ko maexplain!




LORD! SORRY TALAGA! FORGIVE ME!!!! =(

2 comments:

Pukaykay said...

It goof you werent harmed.

Okay lang yung ginawa mo. someone has to do that to that guy.

But dont do that here in the Philippines! hehehhe

John N. Ponsaran said...

grabe nga po init
ingat lagi
isang mapagpala at mapagpalayang araw

COVID-19: DAY 52 SHELTER IN PLACE MAY 7 2020

The month of April was like a blink of an eye.  Now, we are in my birth month, this was supposed to be a big deal for me.  I am turning 40 i...

Popular Posts