sabi sa balita kanina, ang pinakamataas opisyal daw sa kumpanya namin ay nahingi ng bonus na nagkakahalaga ng sampung milyong dolyar! dapat lang daw syang bigyan ng ganon kalaking pera dahil daw sa kanyang pamumuno ay 11 bilyon lang ang nalugi sa amin at naisalba ang kumpanya sa pamamagitan ng pag sanib sa BAC. bukod sa milyon milyon na nyang sinusweldo, kailangan pa raw nya ng sampung milyon. ano sya, hilo?
hindi ako sanay mag mura, pero nang nabasa ko to, parang gusto ko magmura. nagtatanggalan na sa kumpanya namin para nga ibaba ang gastos tapos hihingi sya ng ganitong kalaking halaga. nasisiraan ba sya ng bait?
at matapos maging headline ito sa buong amerika, napahiya yata naman yata sya at binawi ang hinihinging bonus para sa taon na ito. wala ngayon siyang matatanggap ni singkong bonus. kami kaya, may singkong matanggap?
isa nanaman itong halimbawa ng kasakiman ng mga tao sa wall street. sabi nga sa bibliya, "...ang pag-ibig sa salapi ang ugat sa lahat ng uri ng kasamaan". nakapagtataka pa ba kung bakit nagkakagulo ang ekonomiya ng buong mundo ngayon?
Monday, December 08, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
COVID-19: DAY 52 SHELTER IN PLACE MAY 7 2020
The month of April was like a blink of an eye. Now, we are in my birth month, this was supposed to be a big deal for me. I am turning 40 i...
Popular Posts
-
these surfers (and photos) will show you. Maverick's or Mavericks is a world-famous surfing location in Northern California [about 15-20...
-
i took a 2.5 hour nap yesterday after i got home. i have been wearing my eye patch consistently...taking a break from it only when my daugh...
-
along with jogging, i'm trying to adapt a healthy way of eating. i haven't been eating rice, or if i do, i limit myself to up to 3 ...
2 comments:
Aba naman...ano nga sya, hilo?!
oh no way?? how dare he?? kupals!!
the rich just gets richer while the poor gets... welfare.
Post a Comment